About
Following
“When my grandmother got arthritis, she couldn’t bend over and paint her toenails anymore. So my grandfather does it for her all the time, even when his hands got arthritis too. That’s love.” -Rebecca, age 8
“When someone loves you, the way they say your name is different. You know that your…
astig talaga e. :))) galing.
(Source: girlwhopaints)
Yung tipong pwedeng pwede ko siyang puntahan sa bahay n’ya dahil walking distance lang pero feel na feel namin mag-webcam sa YM. Ayan si William, the all-in-one friend. Pwedeng kuya, minsan adviser pwede ding principal. Minsan tatay ko na rin. The best yan, kahit walang love life, siya pa yung mas madaming alam at nilalapitan pag may broken hearted. Pag masaya ka, susuportahan ka. Pag malungkot ka, hinding hindi ka iiwan. Love na love ko yan eh. :)

HAHAHAHAHA. TH sa drawing. kelangan kasi sa Filipino. drawiiings. i hate ‘em. i’m not an artist. i can’t draw well. =)) this is the result. >:P libre laiiit. HAHAHAHAHA! XD
Maihahanay natin ang ating mga masikap at matiyagang guro bilang mga bayani. Ang mga makabagong bayani ng ating bagong henerasyon. Ikaw, masasabi mo bang ang mga guro ay nararapat lamang na iturin at kilalanin bilang dakila?
PAGBABAHAGI — iyan ang trabaho ng isang guro. Pagbabahagi ng kanilang talino, talento, oras at piraso ng katuhan para sa mga musmos na isipan ng mga bata na paglaon ay magiging ganap na may-isip. Tila isang instrumento na huhubog sa katauhan, hahasa sa talento at lilinang ng katalinuhan. Wala na sigurong dahilan para hindi natin sila parangalan at kilalanin. Hindi kailangang magbuwis ng buhay, maituring lang na bayani. Ang paggugol lang nila ng kanilang oras sa mga estudyante ay kahanga-hanga na. Sa mga mata ng may isip, sila ay mga dakilang bayani.
—Excerpt mula sa Sulatin ko noong 2nd Quarter.
www.williamadrian13.tumblr.com
-William Adrian Victoria
NAKARAAN ng AKING BUHAY…
isa lang ang magiging kahulugan ng aking nakaraan, MASAYA. masarap kasama ang mga pinsang makukulit at ang mga batang di mo man kilala pero maituturing mong isang “KAIBIGAN”. PINOY na PINOY kumbaga kung kami maglaro ng aming hilig na mga laro.
Nariyan, kapag nakakita ng “LATA” sa tabi-tabi, pipitas ng “GUMAMELA” sa kapitbahay, didikdikin ang gumamela at, guguhit ng bilog sa kalsada. magsisimula nang kumanta ang isa ng “KALESA-KALESA” para malaman kung sino ang magbabantay sa lata. magsisimula ng maghubad ng mga tsinelas / tsinepin o kung anumang tawag sa mga sinelas namin dati. balibag dito, tapon duon. bubod ang taya kapag di marunong magbantay. HAHA. habang nakatayo ang lata, kailangan niyang manaya, ngunit kapag ito’y napatumba, wala siyang kakayahang manaya. kailangan niya muna itong itayo sa bilog ang lata. sira-sira na ang sinelas, e , wala pa ring patid hangga’t hindi nag-aayawan.
Eto pa, kapag sumapit ang “GABI”, kumagat na ang “DILIM”, kumpulan na kami sa isang poste na may ilaw at poporma ng pabilog, sabay “MAALIS-TAYA” para malaman ang taya sa isa pang nakakasabik na laro, ang “BAMSAK”. ito ay laro na kahawig lang ng taguan, ang pinagkaiba lang ay, pwede siyang “MANAKSAK” (kunwari lang) para manatiling taya, ang taya. naalala ko pang, may mga sumasabit sa puno, sumisiksik sa mga halaman, tatakbo sa mga abandonadong apartment o di kaya’y gugulong-gulong sa lupa. ang saya ‘di ba? may mga oras pa ngang, nagpapalit - palit ng damit o tsinelas ang mga kasali para lang malito ang taya. mayron ding, ang mga nakita na ay kakausapin ang taya para malito at para rin masaksak. kakaibang gimik ha? ganyan kami kasaya. kung hindi sa kalye magtatago, sa simbahan, dun sa may kusina at kinakailangan mo pang umakyat ng ilang gate para ka lang makarating. pagpapawisan kang tunay! yan ang kakaibang taguan.
Kapag naman ang ARAW ay TIRIK, una-unahang umakyat sa bakod na bakal ng simbahan at pupunta sa harap ng simbahan. sarado kasi ang gate kaya umaakyat sa bakod. HAHA. ke gagaling no? eto ang “DALAWANG LARO” na aming kinagigiliwan na ginagamitan ng mga “TSINELAS”. eto ang isa, medyo brutal ito e. HAHA. iipunin lahat ng tsinelas sa isang bilog, isang taya sa gitna na magbabantay at mananaya sa mga kalaro sa labas ng bilog na ang punto e kuhanin ang tsinelas nila. kapag nataya, papalitan niya ang taya sa gitna. kapag naman nakakuha ng tsinelas, maaari niyang paluin ang taya sa gitna (aw. ang sakit dba?). hindi ko alam ang tawag sa larong iyan e. HAHAHA. at ito ang pangalawa, ang “PAWAY (pa-wey)” isang laro na ginagamitan pa rin ng tsinelas. hinahati sa dalawa ang harap ng simbahan, isang “BASE” at “START”. ginagamitan lang ng isang pares ng tsinelas, isang pa-mato at isang pato. ang pato ang kailangang papuntahin sa BASE na galing sa START gamit ang isang tsinelas. sa madaling salita, halimbawa, kung ang KANANG T. ay ang pato, ito ‘yung nakalapag sa semento, at ‘yung KALIWANG T. naman ang ipangtitira mo sa KANANG T. para mapapunta mo ito sa BASE. gets niyo na? kung hindi, bahala kayong umintindi. HAHAHA! kailangan ito ang lakas ng katawan at diskarte. sa bandang huli, ang mahuhuli ay papaluin sa kamay ng 10 o ukol sa napag-usapang bilang gamit ang tsinelas. aw! sakit no? pero nakasapin naman ang tsinelas sa kamay.
“PATINTERO” ba? trip niyo? kasi kami, trip na trip namin ‘yun e. yun bang, kahit tatlo hanggang limang linya lang ay pwede na? hahatiin sa dalawang grupo, bato-bato pick, at malalaman na kung sinong aapak sa mga linya. pawis na pawis kami pero masaya. isa pang laro, ang “PIKO”. guguhit ka lang ng laruang pampiko, normal na sa’min ung may “flag”. bato, bubog, piraso ng paso at kung anong trip mong pamato. una-unahang makatapos sa piko board, tatalikod, tatapon ang pato, at bubuo ng bahay. ang bahay mo, sa’yo lang, ikaw lang ang may kakayahang umapak duon ng may dalawang paa. paramihan ng bahay yan at unahan. :) eto pa, gagawa ka lang ng “BUTAS” sa lupa, guguhit ng “OVER” at simulan na ang laro ng “HOLEN / JOLENS”. una’y palapitan ng holen sa over, kung sino ang pinakamalapit ay ang unang titira, at ang pinakamalayo’y huli. may mga usapang, kapag sa over pa lang at naka-shoot ka sa butas ay JACKPOT, tapos na ang laro, pero kung wala naman ay, kapag naka-shoot ka na, saka ka pa lang may kakayahan na tirahin ang kapwa holen para matanggal sa laro at magbayad ng napag-usapang holen. sikat ka kapag mayroon kang bote ng mineral water o 1.5L ng COKE na puno ng holen. mayroon itong kamukang laro, kaso, ang gamit dito ay “BEADS” imbis na holen. sikat ka naman kung mayroon kang maraming sintas ng sapatos o mahabang tali na puro beads lang.
“BALL GAMES” ba? bibili lang ng tiglilimang pisong bola duuun kila ka *****. hahaha! grupo agad sa dalawa. dalawang base, dalawang grupo. isang sisipa, isang magpapagulong ng bola. “FOOTBALL” ang tawag namin diyan. una’y papagulungin ang bola, sisipain ng kalaban, ang sumipa’y tatakbo sa base ng kalaban hanggang hindi pa napupulot ang bola, pabilisan ang larong ito, kapag napulot na ang bola at hindi ka pa nakakabalik sa base mo, maaari ka nilang pukulin ng bola para maalis ka na sa laro. kailangan mong tiisin ang sakit ng pagkakapukol ng bola sa’yo at kailangan mo din ng bilis at liksi ng katawan. ang “TOUCHING BALL” naman ay larong tiyak na magpapapagod sa iyo. kailangan mo kasing iwasan ang bolang ipinupukol ng bawat side na magkakampi. paguran ‘to e. hindi ko na masyadong ipaliliwanag pagkat mahirap. try nalang natin kapag nagkita tayo. HAHA!
Nariyan din ang paglalaro ng “TEXT” at “POGS”. Tsub-ta. Apir. yan ang laro namin din dati. Mayroon ding “MORO-MORO” noon. :)
eto, ano ngayon ang kaibahan ng KABATAAN NOON sa KABATAAN NGAYON? maswerte ako dahil naranasan ko ang mga larong Pinoy. Ang kabataan ngayon, babad sa computer. Facebook, Twitter, Tumblr, DOTA, Online Games at iba pa. Iba na talaga ang henerasyon ngayon. I’m a LATE ’90s and EARLY 2000s kid and proud. kasi ang mga laro ko, sa labas ng bahay, gamit ang buong katawan. ;)
www.williamadrian13.tumblr.com
-William Adrian Victoria
3 Stars and The Son (feat. Kris Lawrence, Jay-R and Billy Crawford)
Elmo Magalona(Chorus)
Guess who’s the new kid on the block
Taking my game straight to the top
Knocking these joints out one by one
3 stars and the son, we just havin fun
Verse 1
I know I’m 17 but I got big dreams
3 stars I’m the son yeah that’s my team
Rocking shows that’s my thing, though I don’t wear no bling
I got my own swag lemme show you what I mean
Y’all know my name, I’m switchin lanes for fame
Big shoes to fill, I got it all for real
I represent for my pop, rest in peace with the God
I’m the untouchable kid, ain’t no time to stop
All the lessons I’m learnin, stay on my grind as I’m workin
Got all the help that I’m gettin, haters back up get ya steppin
Pop’s got my back up in heaven, yo I know he be watchin
Guidin me through this while I be spittin, Imma make him proud ‘til I finish yup
(Chorus)
Verse 2
By now y’all know what the business is
While other kids play this boy’s serious
Ain’t got no time for the booty poppin, I see them ladies jockin
Now watch what I say when the beat comes knockin
Hot and fresh out the kitchen, I’m young and fly with a mission
Now listen up pay attention, ain’t no such thing as a problem
Cuz all I got is solutions, the future’s here gotta love it
I’m having fun while I live it, crossing ova dunk while I’m winning
All the time in the world, get with the girls, stay in school gotta live n’ learn
Don’t drink don’t smoke not my concern, shining star crash and burn
Just tryna be somebody while I rock your party
3 stars, yeah I’m the son tell everybody
(Chorus)
Kris L:
Im the first star in this all-star team
I gotta give it up
Cuz im living my dream
Can i get an EY-YO
3 Stars takin over your radio
Jay-R:
Now it’s my turn
And they call me Jay-Star
Shinin so bright
See me comin from afar
Known as the prince of RnB
It’s about that time we lift this industry
Billy:
I ain’t tryna fool you
Im the 3rd star in this crew
Low drop it low
Lil Moe we got it all for you
Droppin these hits like it ain’t a thang
3 stars & the Son we just doin our thang
Guess who’s the new kid on the block
Taking my game straight to the top
Knocking these joints out one by one
3 stars and the son we just having fun (we just having fun) (2x)
3 stars and the son we just having fun
(Chorus)